Pagpatak ng mga Gabi sa Fields Avenue

Kinuha ni Edd ang papel sa loob ng brown envelope. Hawak-hawak niya ang papel na nagpabago ng takbo ng kaniyang buhay. HIV positive, ‘yon ang malinaw na lumabas sa kaniyang blood screening tatlong buwan nang nakararaan. Lukot-lukot na ang papel. Ilang beses na itong naglabas-pasok sa kaniyang sobre. Umaasa pa rin si Edd na baka namalikmata siya, na sa muli niyang pagbunot e maging negative na ang resulta. HIV positive pa rin.

Advertisements

Tahanan: O Kung Paano Ko Ginalugad Ang Aking Sanktuwaryo

Matinding kalaban ang depresyon. Binubuksan nito ang tao upang makinig, magsalita, makiramdam, at maluha—na nakatatakot din naman dahil wala nang katapusan na pagbubukas ng iba’t ibang pinto ng pagkatao ang nagaganap. Hanggang sa hindi na maapuhap ang lakas ng hangin mula sa pagbubukas ng mga silid—at tanging silid na lamang ang matira.